Ang Pelikula

Ang Pinilakang Tabing/Pelikula
Baitang 8
1 / 21
next
Slide 1: Slide
FilipinoSecondary Education

This lesson contains 21 slides, with interactive quizzes, text slides and 1 video.

time-iconLesson duration is: 60 min

Items in this lesson

Ang Pinilakang Tabing/Pelikula
Baitang 8

Slide 1 - Slide

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang may taglay na sumusunod na kasanayan:
1. Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
-Paksa/tema
-layon
-gamit ng mga salita
-mga tauhan
2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula.
3. Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood na pelikula
4. Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang suring- pelikula

Slide 2 - Slide

Kapanalig, handa ka na ba sa ating talakayan?
Oo.
Hindi

Slide 3 - Poll

Ano ba ang Pelikula?
  • Ang pelikula ay kilala rin sa katawagang "Sine" o "Pinilakang Tabing"
  • Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
  • Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng isang totoong “tao”. 

Slide 4 - Slide

Para sa iyo, ano ang katangian ng isang mahusay na pelikula?

Slide 5 - Open question

Katangian ng Pelikula
  1. Ito ay audio-visual (hearing at seeing) – paningin at pandinig ang ginagamit.
  2. Ang mga damdamin o di-konkretong kaisipan ay nararapat ipakita nang malinaw sa screen.
  3. May tiyak na haba ang pelikula.
  4. Mahalaga ang budget sa pagbuo ng isang pelikula
  5. Ang pelikula ay nililikha ng maraming tao.
  6. Nabubuhay ang pelikula dahil sa iskrip na ini-interpret ng direktor.

Slide 6 - Slide

Sa iyong palagay, may genre ba ang isang pelikula?
Meron
Wala

Slide 7 - Poll

Ano-ano ang genre ng pelikula na alam mo?

Slide 8 - Mind map

Genre ng Pelikula
  1. Romansa/Pag-ibig – umiikot ang kuwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.
  2. Komedya – pelikula kung saan ang mga gumaganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa para sa manonood.
  3. Musikal – isang pelikulang puno ng kantahan at sayawan
  4. Pakikipagsapalaran – pelikula kung saan ang kwento ay nagaganap sa iba’t iabng lugar at tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kuwento ng pelikula.

Slide 9 - Slide

Genre ng Pelikula
6 Aksyon – ang mga tauhan ay nasasadlak sa pisikal na pakikipagtunggali upang mapagtagumpayan ang isang hamon.
7. Pantalambuhay – komprehensibong tumatalakay sa pinakamakasaysayang kabanata o bahagi sa buhay ng isang tao
8. Krimen – nakapokus ang pelikula sa buhay ng mga kriminal.
9. Drama – tinatalakay ang mga temang emosyonal tulad ng kahirapan, Karahasan o pang-aabuso at iba pa.
10. Pantasya – pelikula na may temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga kakaibang pangyayari o mga kakaibang nilalang.

Slide 10 - Slide

Genre ng Pelikula
11. Katatakutan – karaniwang nilalayon nito na magulat at panginigin ang mga manonood.
12. Science Fiction – pelikula na base sa mga pangyayari na may kinalaman sa agham gaya ng aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at iba pa.

Slide 11 - Slide

Elemento ng Pelikula
  • Kuwento
  • Tema
  • Pamagat
  • Tauhan
  • Diyalogo
  • Sinematograpiya


Slide 12 - Slide

Elemento ng Pelikula
  • Iba pang aspektong Teknikal 
              a. Tunog
              b. Musika
              c. Direksyon
              d. Editing
              e. Disenyong Pamproduksyon

Slide 13 - Slide

4

Slide 14 - Video

00:58
Mula sa unang tagpo, anong mahihinuha mo sa katangian ng ina ni Alee?
A
mabait na ina kay Alee
B
konserbatibo
C
matatakutin
D
mahina

Slide 15 - Quiz

08:17
Bakit ganoon na lamang ang naging sagot ng ina ni Alee nang siya ay umamin sa kaniyang katauhan?

Slide 16 - Open question

12:01
Ano ang sinisimbolo ng tagpong ito sa pelikula?

Slide 17 - Open question

13:23
Ano ang isyu na tinatalakay sa pelikula?
A
Isyu ng Kahirapan
B
Isyung Politikal
C
Pang-aabuso
D
Isyung Pangkasarian

Slide 18 - Quiz

GAWAIN A
Mula sa naging talakayan, gumawa ng isang pagsusuri tungkol sa isang pelikula na iyong napupusuan. Sundin ang sumusunod na format sa pagsusuri. 

I. Pamagat
        -May akda
II. Kahulugan ng pamagat
III. Buod
a. Mga tauhan
b. Istilo ng awtor
c. Bisang Pampanitikan
         i. Bisa sa isip      ii. Bisa sa asal     iii. Bisa sa damdamin

Slide 19 - Slide

GAWAIN A
IV. Pagsusuri
a. Uri ng panitikan
b. Istilo ng paglalahad
c. Tayutay
     i. Pagtutulad    ii. Paghahambing     iii. Simbolismo
d. Sariling reaksyon
        i. Mga pansin at puna

Slide 20 - Slide

Maraming Salamat!!!

Slide 21 - Slide